Nanawagan si Minnesota Governor Tim Walz sa mga immigration custom enforcement na lumayas na sa Minneapolis City.
Kasunod ito sa nangyaring panibagong pamamaril ng mga ICE agents.
Sinabi ni Walz na mahalagang tanggalin na ni US President Donald Trump ang nasa 3,000 na mga untrained na agents nito.
Sa pinakahuling insidente ng pamamaril ng ICE agents ay sa biktimang si Alex Pretti, 37-anyos.
Makikitang kinukuhanan lamangni Pretti ng video ang isang agent na may tinutulak na isang babae.
Pinagbuntunan si Pretti kung saan nilagyan pa ng pepper spray sa mukha kahit na nakataas na ang kamay nito.
Gumapang na ang biktima palayo subalit walang awa pa rin itong pinagbabaril kung saan inakala ng mga otoridad na ang cellphone na hawak nito ay isa umanong baril.











