-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni House appropriations panel vice chair at Batangas Rep. Leandro Leviste na ilang miyembro ng team ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ay mga kontraktor o may kaugnayan sa mga kontraktor na sangkot sa flood control anomaly.

Sinabi ni Rep. Leviste na nakuha niya ang impormasyon mula sa ilang kasamahan sa Kamara.

Hindi raw si Secretary Dizon mismo ang kontraktor, kundi mga tauhan niya. Marami na raw sa Kongreso ang nakakaalam nito.

Hinimok niya si Dizon na isapubliko ang koneksyon ng kanyang team sa mga kontratista, lalo na’t may isinasagawang imbestigasyon sa mga iregular na proyekto ng gobyerno.

Dagdag pa ni Leviste maaaring makita sa simpleng online search ang mga paratang ng katiwalian laban sa ilang bagong appointee ng DPWH.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya may potensyal si Dizon na magdala ng reporma sa DPWH kung magiging bukas siya sa isyung ito.

Sa gitna ng presscon, nakatanggap si Leviste ng tawag mula sa isang mataas na opisyal ng DPWH. Giit ng Kongresista ang nais iya ay transparency at patas na alokasyon ng pondo. Kung may koneksyon man sa mga kontratista, sana ay ilahad sa publiko

Sa kabilang dako, Isa sa mga tumutol sa pagpasa sa 2026 national budget ay si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste, na nanawagang ibaba ang presyo ng mga proyekto ng DPWH upang matigil ang kickbacks.

Bilang batayan, binanggit ni Leviste ang pahayag ng dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na halos “100%” ng bidding sa DPWH ay lutong-makaw.

Sinabi ni leviste dapat bawasan ng 25% ang presyo sa proyekto ng DPWH para matanggal ang tinatayang ₱150 bilyong kickbacks.

Ayon pa kay Leviste, kahit walang kickback ang isang kongresista, may iba pa ring nakikinabang.

Hiniling niyang ibaba ng 30% ang presyo ng mga proyekto ng DPWH sa kanyang distrito at i-realign ang ₱508 milyon na matitipid para sa mahigit 200 silid-aralan.

Dagdag pa ni Leviste, hindi rin patas ang alokasyon ng pondo bagamat 15% ng populasyon at GDP ay mula Region 4A, 10% lang ng DPWH budget ang napupunta rito.