Pinayuhan ng legal na kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga taga-suporta na maging mapanuri at mapagbantay habang inihahanda ang depensa para sa confirmation of charges hearing sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay lead counsel Nicholas Kaufman, puspusan ang paghahanda ng kanilang grupo para sa pagdinig sa The Hague, sabay panawagan sa publiko na suriing mabuti ang mga impormasyon.
Ipinaliwanag ng abogado na sa yugtong ito, hindi layunin ng depensa napatunayang inosente ang dating pangulo, kundi kwestiyunin at hamunin ang mga ebidensya ng prosekusyon upang patunayang walang sapat na batayan para ituloy ang paglilitis.
Bukod sa depensang legal, nakasentro pa rin sa sitwasyon ng kalusugan ni Duterte ang kaso.
Kinuwestiyon ni Kaufman ang patuloy na pagkakapiit ni Duterte, lalo na ang mga batayan nito sa ilalim ng batas.











