Nagkakapunuan na ang mga ospital sa Iran dahil sa dumaraming bilang ng sugatang demonstrators na patuloy na nagsasagawa ng malawakang anti-government protests.
Ayon sa ulat ang Farabi Hospital, na pangunahing eye specialist center sa Tehran, ay pumasok na sa crisis mode, at pansamantalang sinuspinde ang kanilang emergency admissions at surgeries.
Kasabay nito nagukulang narin ang nasabing ospital sa hospital staff.
Isa pang ospital ang nagsabing maraming sugatang pasyente ang dinala sa kanila na karamihan ay may gunshot injuries sa ulo at mata, at kulang sa surgeons para gamutin ang lahat.
Simula noong Disyembre 28, 2025, iniulat ng US-based HRANA na may hindi bababa sa 51 na ang nasawi na mga protesters, kabilang ang 7 bata, at 21 security personnel. Habang mahigit 2,311 na indibidwal ang naaresto.
Kinumpirma naman ng Norway-based Iran Human Rights (IHRNGO) ang kaparehong bilang ng ng mga nasawi, kabilang ang 9 bata.
Samantala, iginiit ng pulisya ng Iran na walang namatay sa Tehran noong Biyernes ng gabi, bagama’t may 26 na gusali na sinunog
Sa kablang banda naglabas naman ng joint statement ang France, UK, Germany na nanawagan sa Iran na protektahan ang populasyon at payagan ang malayang pagpapahayag at pagtitipon nang walang takot.
Sa kabila nito, nanindigan si Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei sa kanyang televised address, na hindi susuko ang Islamic Republic at ipagpapatuloy ang pakikitungo sa “destructive elements.”











