Nagbigay babala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na maging mapanuri sa mga kumakalat na scam messages sa social media platforms.
Ang mga pekeng mensahe umano ay nag-aalok ng libreng groceries na nagkakahalaga ng hanggang HK$5,000 (P37,323) na eye checkup, at libreng salamin sa mata na diumano’y mula sa pamahalaan ng Hong Kong.
Ipinaalala ng konsulado na ginagamit ng mga scammer ang personal information ng mga biktima upang gumawa ng mga pekeng account na maaaring gamitin sa money laundering at iba pang iligal na gawain.
Hinikayat naman ng pamahalaan na mag-report ang mga OFW sa Anti-Deception Coordination Centre ng Hong Kong Police Force sa kanilang Anti-Scam Helpline na 18222 at maaari ring huming ng tulong sa tanggapan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.