Nanawagan ang mga Katolikong obispo ng bansa para sa isang independent o malayang imbestigasyon kaugnay ng umano’y korapsyon sa mga proyektong flood-control ng pamahalaan.
Sa isang pastoral na liham, hinimok nila ang publiko na manindigan at igiit ang pananagutan ng mga sangkot. Binatikos din ng mga obispo ang kasalukuyang imbestigasyon ng Senado at Kongreso, dahil ilang mambabatas na nagsasagawa nito ay umano’y sangkot din sa isyu.
“How credible are these inquiries when the very institutions conducting them are themselves implicated?” tanong nila.
Babala pa ng mga obispo, ang korapsyon ay kasing-lala ng sakunang dulot ng baha. “If floodwaters rise because public funds are stolen, the greater flood is corruption itself, drowning our nation’s future,” anila.