-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang ilang pangunahing business groups na ibalik ng pamahalaan ang mahigit P107 bilyon na pondo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na nailipat sa National Treasury.

Ayon sa kanila, ang paggamit ng pondong ito bilang dibidendo ay nagdudulot ng panganib sa katatagan ng sistemang pinansyal ng bansa. Iginiit ng mga grupo na ang PDIC ay dapat manatiling may sapat na reserba upang matiyak ang proteksiyon ng mga depositors sakaling magkaroon ng krisis sa sektor ng pagbabangko.

Binanggit nila na ang hakbang ng Department of Finance ay nagtatakda ng masamang precedent na maaaring makasira sa tiwala ng publiko sa mga bangko.

Hiniling ng mga negosyante na muling isama ang halaga sa 2026 national budget at ibalik sa balance sheet ng PDIC.

Naniniwala ang mga ito na ang agarang aksyon ng pamahalaan ay mahalaga upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya at tiwala ng mamamayan sa sistemang pinansyal.

-- ADVERTISEMENT --