-- ADVERTISEMENT --
Bumaba na ang bilang ng mga prank calls na natatanggap ng Unified 911 Hotline.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nangyari ito mula ng magsagawa sila ng system update.
Dagdag pa ng kalihim na mula Setyembre 8 hanggang 24 ay narespondihan nila ang 872,586 na tawag mula sa hotline.
Itinuturing na mayroong 98.62 percent na efficiency rate.
Sa kabuuang tawag ay mayroon 1,495 ang ikinokonsiderang prank habang 12,223 naman bilang dropped o abandoned calls.
Kabilang sa upgrade nila ay ang geolocation kungsaan malalaman nila kung saan nanggaling ang tawag kaya mayroong takot na rin ito sa mga nangloloko sa tawag.
-- ADVERTISEMENT --










