-- ADVERTISEMENT --

Inatasan ng korte sa Los Angeles ang dalawang songwriter at mga abogado nila na nagsampa ng copyright complaints kay Mariah Carey na magbayad sila ng tig-$92,000 sa singer.

May kaugnayan ito sa pagsampa ng reklamo ng nasabing mga songwriter ng copyright sa kantang “All I Want For Christmas Is You” ni Carey na sumikat pa mula noong 1994.

Ayon kay judge Monica Almadani na siyang nagbasura rin ng kaso noon pang Marso ay inatasan na pagmultahin sina Andy Stone at Troy Powers.

Dagdag pa nito na wala itong nakitang meritong nakita at mayroong sapat na rason para pigilan ang mga tao na magsampa ng kasong walang basehan.