Pinagbabawal na sa California ang pagsusuot ng mga maskara ng mga local at federal law enforement officers.
Kasama dito ang mga US Immigration and Customs Enforcement (ICE).
Ang nasabing batas ay pirmado ni Democratic Governor Gavin Newsom para maprotektahan ang mga residente mula sa tinatawag nitong ‘secret police” na umiikot sa kalsada.
Magiging epektibo naman ang batas sa darating na Enero 1, 2026 kung saan sa kasagutan ito sa pagsusuot ng mga mask ng ICE noong isagawa ang immigration raids sa Los Angeles.
Kinontra naman ni US Attorney Bill Essayli na appointee ni US President Donald Trump kung saan sinabi nito na walang hurisdiksyon ang California governor sa federal government kung saan patuloy na poprotektahan ng mga agents ang kanilang mga pagkakakilanlan.