-- ADVERTISEMENT --

Nananatiling ligtas na kainin ang lahat ng uri ng isda na nahahango sa Taal Lake tulad ng tawilis, tilapia at bangus.

Ito ang binigyan-diin ni Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. (TLAAI) director Engr. Mario Balazon at nilinaw na sa bahagi lang ng Laurel, Batangas ginagawa ang paghahanap sa mga buto at hindi sa buong lawa.

Floating o nakalutang din ang kanilang fish cages o baklad at hindi umaabot sa ilalim ng Taal Lake at commercial feeds ang kanilang ipinakakain sa mga alagang isda.

Ang lawa ng Taal ay may lawak na humigit-kumulang 234.2 square kilometers.

Ang haba ay tinatayang 25 km, ang lapad ay 18 km at ang haba ng dalampasigan ay 115 km.

-- ADVERTISEMENT --

Isa ito sa pinakamalalaking lawa sa Pilipinas, pangatlo sa listahan kasunod ng Laguna de Bay at Lake Lanao.

Nakapaligid sa lawa ang nasa 11 bayan at lungsod sa probinsya ng Batangas.

Kabilang na rito ang Talisay, San Nicolas, Lipa, Laurel, Tanauan, Santa Teresita, Mataas na Kahoy, Balete, Cuenca, Alitagtag at Agoncillo.