-- ADVERTISEMENT --
Humanga ang mga fans ng actress na si Max Collins matapos ang insidente sa dinaluhan niyang fashion show sa lungsod ng Makati.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng video kung saan habang pababa na sa sasakyan ay nadulas ito.
Agad naman itong tumayo at tila walang anumang nangyari.
Pabiro niyang sinabi na hindi niya mahintay na maulit muli ang pangyayari.
Kilala ang actress sa pagdalo nito sa mga fashion shows mula Milan at New York.
-- ADVERTISEMENT --
Nitong Agosto ay usap-usapan ang bagong lalaki na kaniyang ka-date matapos ang hiwalayan ng asawang si Pancho Magno.