-- ADVERTISEMENT --
Ibinunyag ni National Bureau of Investigation Director Jaime B. Santiago na maging ang itinatayong bagong building ng kawanihan sa Maynila ay mga Discaya ang contractor.
Kanyang isinawalat ang nadiskubreng ito kung saan nilinaw ng direktor na marahil nakuha at nanalo sa bidding ang mga ito bago pa man siya maupo sa pwesto.
Nagkakahalaga aniya ang proyekto ng nasa 2.4-bilyon Piso at base sa inisyal na impormasyon dalawang kontratista ng mga ito ay Discaya.
Kaya’t kanyang tiniyak na isasama aniya nila ito sa imbestigasyon ng kawanihan laban sa maanomalyang mga proyekto.