-- ADVERTISEMENT --


Kumpiyansa si US President Donald Trump na tuluyan ng makakalaya ang mga bihag ng Hamas sa araw ng Lunes o Martes ng susunod na linggo.

Sa ginawang cabinet meeting ni Trump ay ipinagmalaki niya ang pagsusulong nito ng peace deal sa pagitan ng Israel at Hamas.

Bilang parte ng peace ay unang papakawalan ang mga bihag ng magkabilang panig at ito na ang daan para sa pangmatagalang kapayapaan sa Gaza.

Inaasahan na sa loob ng 72 oras ay papakawalan ng Hamas ang 20 buhay na mga bihag na hawak nila matapos ang pagsisimula ng ceasefire.

Susubukan niyang makapunta sa Egypt para dumalo sa pirmahan ng kasunduan sa pagitan ng Hamas at Israel.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang nagkasundo na ang dalawang Israel at Hamas matapos ang dalawang taon na labanan.