Muling nakuha ng Philippine men’s national football team ang panalo 3-1 laban sa Timor-Leste sa nagpapatuloy na AFC Asian Cup Qualifiers na ginanap sa New Clark City sa Tarlac.
Sa huling minuto ng first half ay nakapagtala ng Timor-Leste ng goal.
Pagpasok ng second half ay naitabla ng Pilipinas ang score sa 1-1 sa pamamagitan ng corner kick sa 46 minuto ng laro.
Bago dumating ang 70 minuto ay naipasok ni Bjorn Kristensen ang pangalawang goal para makuha ng Pilipnas ang 2-1 na kalamangan.
Hanggang sa naipasok ni Jarvey Gayoso ang isa pang goal sa huling natitirang minuto ng laro.
Pinilit pa ng Timor-Leste na habulin ang puntos subalit naging matindi ang depensa ng Pilipinas.
Dahil sa panalo ay nananatiling nasa ibabaw na puwesto ang Pilipinas sa Group A na mayroong 10 points.
Susunod na laban ng Pilipinas ay sa Maldives sa darating na Nobyembre 18.