-- ADVERTISEMENT --

Pinaghahanda ng state weather bureau ang Mega Manila sa posibleng mabibigat na pag-ulan na dala ng bagyong Uwan simula bukas o sa araw ng Linggo (Nov. 9).

Ayon kay PAGASA Meteorologist Benison Estareja, maaaring makaranas ang capital region at mga probinsyang katabi nito, ng mabibigat na pag-ulan na maaaring aabot hanggang 200 millimeters.

Sa kasalukuyang track ng bagyo, maaaring aabot hanggang signal No. 2 ang itaas sa Metro Manila at Calabarzon area.

Gayunpaman, kung magbago ito ng direksyon at bahagyang bumaba ang sirkulasyon nito, maaari aniyang lalo pang tumaas ang wind signal sa capital region at mga katabi nitong probinsya.

Payo ng meteorologist sa mga residente at lokal na pamahalaan, paghandaan na ang malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa mga lugar na may kasaysayan ng pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --