-- ADVERTISEMENT --

Hindi susuportahan National Unity Party (NUP) ang anumang hakbang na i-impeach si Pangulong Marcos dahil kulang ito sa factual grounds.

Ayon kay NUP Chairman at Deputy Speaker Puno, wala silang nakikitang anumang “culpable violation” o iba pang legal na batayan upang suportahan ang impeachment complaint laban sa Pangulo.

Dagdag ni Puno, napag-usapan na ito sa loob ng partido at malinaw ang kanilang posisyon na hindi nila susuportahan ang nasabing hakbang.

Aniya, mananatili ang NUP sa pagsunod sa due process at pamantayang itinatakda ng batas at ng Korte Suprema.

Pagtiyak ni Puno na ang kanilang partido ay 100 percent hindi susuporta sa planong pagpapatalsik sa Pangulo sa pwesto.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman inihayag ni Puno, sa panig naman ng planong paghahain ng panibagong impeachment complaint laban kay VP Sara ay kanila muna itong mag-aralan ng mabuti.