Itinuturing ni Makati City Mayor Nancy Binay na ang akusasyon laban sa kaniya na tumanggap ito ng pera mula sa flood control projects ay isang paraan para ilihis ang tunay na nasa likod ng malawakang anomalya.
Ito ang naging reaksyon ng dating Senador na ngayon ay alkalde matapos na isinama siya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap ng kickbacks.
Bukod kasi kay Binay ay kasama sina Senator Chiz Escudero, Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co at dating Senador Bong Revilla.
Ayon kay Binay na nagugulat at nalulungkot siya dahil sa dinamay siya sa anomalya ng DPWH kung saan walang katotohanan ang mga ito.
Giit pa nito na tahimik siyang nagtatrabaho bilang alkalde ng Makati at nakakagulat dahil ginagamit siya para mailihis ang tunay na salarin at dapat na managot sa nasabing usapin.
Ipinagmalaki pa nito na ang kaniyang pagbibigay serbisyo sa publiko ay hindi matatawaran at walang halong anumang pagdududa