-- ADVERTISEMENT --

Nagkaroon ng pag-collapse ng lava dome ang Mayon Vocano pasado alas 6:36 hanggang 7:00 ngayong gabi, Miyerkules, Enero 7, 2026.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, nagkaroon ng crater glow or “banaag” mula sa tuktok ng Mayon Volcano dahil sa superheated volcanic gas na nanggalingh sa sa bagong magma na makikita sa ibabaw ng crater nito,

Base sa ulat ng ahensya na nagkaroon ng rockfall at pyroclastic density currents (PDCs) o “uson” mula sa Bonga Gully shed.

Samantala, kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagpasok sa 6-km Radius Permanent Danger Zone.