-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na binabantayan ang bagyong Crising na kumikilos sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Habang ito ay nasa katubigan ng bansa, asahan na lalo pa nitong palalakasin ang umiiral na southwest monsoon o habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas maging sa ilang bahagi ng Mindanao.

Batay sa kasalukuyang track o kilos ng bagyo, inaasahan na dadaan ito o magla-landfall sa bahagi ng mainland Cagayan bukas gabi o Sabado ng umaga.

Maaari rin itong lumakas pa hanggang sa Severe Tropical Storm mamayang hapon o gabi.

Sa linggo naman ay aasahan na makakalabas na ito ng bansa pagsapit ng alas 2 ng madaling araw.

-- ADVERTISEMENT --

Huling namataan ang sentro ng bagyong Crising sa layong 470 km East Northeast ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Kumikilos ang naturang sama ng panahon pa North Northwestward sa bilis na 25 kph.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Southern portion ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, northern portion ng Aurora, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur at northern and eastern portions ng Catanduanes.

Dahil sa malawak na kaulapang dala ng bagyong Crising ay aasahan na rin ang mga serye ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Pinag-iiingat rin ang lahat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulnerableng lugar.