Pinabulaanan ni Senador Mark Villar ang mga alegasyon tungkol sa koneksyon niya sa kontratistang na-awardan ng mga proyekto sa Las Piñas.
Batay sa impormasyong natanggap, pinsan o “first cousin” umano ni Senador Villar ang kontratistang nakakuha ng mga proyekto para sa kanilang lungsod.
Tinatayang aabot sa higit P18.5 billion ang umano’y nakuhang mga infrastructure projects ng kontratistang inuugnay sa senador
Paliwanag ng senador, wala siyang direktang o di-direktang pagmamay-ari o kontrol sa anumang kumpanya na lumahok sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mismong official record aniya ang magkukumpirma na wala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak ang nakakuha ng kontrata mula 2016 hanggang 2021 noong siya ang nakaupo bilang DPWH Secretary.
Ayon kay Villar, ang kanyang pangunahing layunin noon ay ipatupad ang malaliman at malawakang reporma at muling mapalakas ang tiwala ng publiko sa DPWH.
Nangako naman ang senador na hindi niya tatalikuran ang anumang imbestigasyon dahil wala siyang itinatagong anumang bagay.
Suportado rin niya ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).