Nakatakda maging host si Marina Summers sa nalalapit na Miss Universe Philippines coronation night na gaganapin sa Mayo 2, alas-7 ng gabi, sa Mall of Asia Arena.
Matatandaang noong 2024, muling bumida si Marina sa entablado ng Miss Universe Philippines bilang opening act kung saan itinanghal niya ang “AMAFILIPINA.”
Siya rin ang kauna-unahang drag queen na nakapag-perform sa entablado ng naturang patimpalak, na itinuring na makasaysayang sandali para sa kompetisyon.
Nakilala si Marina sa unang season ng “Drag Race Philippines,” kung saan siya ang naging runner-up. Kalaunan, kinatawan niya ang bansa sa “RuPaul’s Drag Race: UK vs The World” at nagtapos sa ika-apat na puwesto.
Samantala, inaasahang ko-koronahan ang susunod na Miss Universe Philippines sa parehong gabi, kung saan si Ahtisa Manalo ang magpapasa ng korona.











