Panawagan ng iba’t ibang grupo ng Marcos Resign movement, Masada, Bangon Sambayanan, One Bangsamoro Movement, at United Taxpayers Against Crime, ang ”Marcos Resign” kasabay ng unang araw na kilos protesta sa transparency and accountability ng Iglesia ni Cristo (INC).
Bitbit ng mga grupo ang placard na may nakasulat na ”panagutin ang mga magnanakaw at mandarambong para sa katarungan, pagkakaisa, at kapayapaan.”
Batay sa tala nasa 5,000 ang iba’t ibang miyembro ang nakiisa sa panawagan bunsod ng kamakailang isiniwalat ni dating Ako Bicol Party-List Representative Elizaldy ”Zaldy” Co sa umano’y utak ng P100 billion budget insertions sa mga pang-imprastruktura ng pamahalaan partikular ang anumalya sa flood control projects.
Ayon sa dating politikal adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Jacinto Paras, “caught in the act” na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kasama si Co na kasabwat sa mga katiwalian sa gobyerno.
‘Sinabi ni Zaldy Co, ang kasama ko si Martin Romualdez, nag-nakaw, si Marcos [PBBM] ang mastermind namin. Anong satingin mo si Zaldy Co, hearsay? He has personal knowledge. So, sinasabi niya in real life si Bong-Bong Marcos nag-utos sa kanya na mag-insert,’ ani Paras.
‘Wala nang ibang usapan dito si Marcos, magnanakaw, mastermind, the Pilipino people do not trust you anymore,’ saad pa nito.
Samanatala sa panawagan naman na pababain din sa pwesto si Vice President Sara Duterte giit ni Paras na tanging “dilawan” at mga ”komusnista” lang umano ang may gawa nito.
‘I-prove muna nilang si Bise Presidente, nagnakaw. Mayroon ba nag-sabing nag-nakaw? Ang mga dilawan lang naman ang nagsasabi niyan, mga komunista lang nag-sasabi na bumaba si Sara, eh ngayon si Marcos caught in the act,’ pahayag pa ni Paras.











