-- ADVERTISEMENT --

Dumami pa ang mga bansang nagkondina sa ginawang walang habas na pagpaslang ng Israel sa mga taga-Gaza na kumukuha lamang ng kanilang mga pagkain.

Nanguna ang United Kingdom at 24 iba ng mga bansa ang nagpahayag ng galit dahil sa ginawang ito ng Israel.

Tinawag ni UK Foreign Secretary David Lammy na ang ginawa na hindi makatao ang ginawa ng Israel at kasabay din nito ay magbibigay sila ng mahigit na $46 milyon bilang tulong.

Dahil dito ay nanawagan ang mga bansa sa tuluyang pagtatapos ng giyera sa Gaza.

Umalma namang ang Israel sa pahayag ng mga bansa at sinabing hindi nila tinatarget ang mga sibilyan ng Gaza.

-- ADVERTISEMENT --