-- ADVERTISEMENT --
Maraming flights ang nakansela sa United Kingdom dahil sa problema ng air traffic control.
Naantala ang pagbiyahe ng maraming pasahero sa mga paliparan ng UK gaya sa Heathrow, Leeds Bradford Airport, East Midlands Airports, Glasgow airport, Birmingham airport og Manchester.
Ayon sa traffic control provider na NATS na nagkaroon lamang ng isyu sa ‘flight processing system’.
Bukod sa UK ay naapektuhan din ang mga paliparan sa Scotland at Ireland.
Matapos naman ang ilang oras ay naayos na ng NATS ang naging problema kung saan inaasahan na babalik na sa normal ang mga flights ng mga paliparan.
-- ADVERTISEMENT --











