-- ADVERTISEMENT --

Niyanig ng malakas na magnitude 5.8 na lindol ang eastern Hokkaido, Japan ngayong araw ng Sabado, Oktubre 25.

Batay sa Japan Meteorological Agency, nangyari ang lindol kaninang ala-1:40 ng madaling araw. May lalim itong 40 kilometers kung saan ang episentro ng lindol ay mula sa timog-silangang baybayin ng Nemuro Peninsula sa Hokkaido.

Ipinaliwanag ng ahensiya na nangyari ang pagyanig sa may boundary ng dalawang plates.

Ito na ang pang-limang pinakamataas na lebel ng seismic intensity scale ng Japan sa siyudad ng Nemuro.

Ibinaba ng mga opisyal ang lakas ng lindol mula sa inisyal na magnitude 5.9.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, inabisuhan ng ahensiya ang mga residente sa mga lugar na tinamaan ng lindol na maging alerto sa mga aftershock na aabot sa mas mababa sa 5.0 magnitude na maaaring magtagal ng isang linggo.

Wala namang banta ng tsunami kasunod ng tumamang malakas na lindol.