-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Malakayang na ipagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa sinumang opisyal ng pamahalaan, kabilang ang mga miyembro ng Gabinete, kung may sapat na ebidensya na mag-uugnay sa kanila sa umano’y iregularidad sa 2025 national budget.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer USec. Claire Castro.

Sinabi ni Castro, malinaw ang pahayag ng Pangulo na kahit sino pa ang masangkot ay kailangang managot kung mapatutunayang sangkot sa anumang katiwalian. Dagdag niya, nasa mga investigating bodies tulad ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang paghawak sa mga reklamo at pagsusuri ng ebidensya.

Dagdag pa ng Palace Officcial na ang sinumang may sapat na ebidensya ay maaaring magsumite nito sa ICI o dumiretso sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman o DOJ.

Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng sinabi ni Senador Panfilo Lacson na may limang cabinet members umano na may bilyon-bilyong pisong halaga ng tinawag niyang “allocables” sa pambansang badyet ngayong taon, batay sa tinaguriang Cabral files.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Lacson, kabilang umano sa listahan ang isang tinukoy lamang sa inisyal na “ES” at ang dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Nilinaw naman ni Castro na hindi pa makukumpirma ang mga alegasyon hangga’t walang pormal na resulta ng imbestigasyon. 

Aniya, kinakailangang dumaan ang mga ito sa tamang proseso ng beripikasyon ng mga awtoridad.

Dagdag pa niya, igagalang ng Malacañang ang independensya ng Ombudsman at DOJ at hindi ito manghihimasok sa isinasagawang imbestigasyon.

Samantala, mariing itinanggi ni dating executive secretary lucas Bersamin na siya ay mayruong budget insertion sa 2025 national budget.