-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng Malakanyang na mayruong napipintong balasahan sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na hindi daw napag-uusapan sa Malakanyang ang panibagong revamp sa gabinete.

Sa ngayon, ayon kay Castro walang naipararating sa kanya tungkol sa anumang pagbabago sa cabinet members.

Ayon pa sa Palace Official, baka mayroon lang nagpapakalat tungkol sa cabinet revamp.

Pero kinumpirma nito na nagpapatuloy pa ang performance review sa mga opisyal ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Naka-depende anya sa Pangulo kung kuntento ito sa trabaho ng kanyang gabinete.

Una rito, muling umugong ang umano’y rigodon at siyam na ahensya ang sinasabing maapektuhan kabilang ang DOH, DOT, DOTr, DFA, BOC, DepEd, DPWH, DICT at DepDev.