-- ADVERTISEMENT --

Tinanggap na umano ng Malacañang ang opisyal na pagbibitiw sa pwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda.

Mismong si Ombudsman Boying Remulla ang nagkumpirma ng naturang pormal na hakbang ng Palasyo ngayong araw.

Bago ang kaniyang pagbibitiw, nagsilbi si Aguda bilang pinuno ng DICT kung saan pinangunahan niya ang iba’t ibang programa sa digital transformation at connectivity sa buong bansa.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Malacañang ukol sa mga dahilan ng kaniyang pagbaba sa pwesto o kung sino ang itatalagang kapalit o officer-in-charge (OIC) sa kagawaran.

Inaasahang maglalabas ng karagdagang impormasyon at opisyal na pahayag ang Palasyo at ang DICT sa mga darating na oras kaugnay ng transisyon sa pamumuno ng ahensya.

-- ADVERTISEMENT --