Ikinokonsidera ng Makabayan Coalition na naihain na ang kanilang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kahit na hindi pa ito natatanggap mismo ni House of Representative Secretary General Cheloy Garafil dahil kasalukuyan siyang nasa Taiwan para tumanggap ng award.
Ipinaliwanag ng ilan sa complainants na sina Bagong Alyansang Makabayan President Renato Reyes at dating Bayan Muna lawmakers Neri Colmenares at Teddy Casiño na nakasaad sa 1987 Constitution na dapat tanggapin ng secretary general ang mga reklamo.
Giit ni Colmenares, na isang abogado, na nasunod nila ang mga requirement sa paghahain ng impeachment complaint dahil ito ay verified at may endorsement.
Bukod dito, ipinaliwanag din ng abogado na hindi nabanggit sa konstitusyon ang salitang secretary general kundi tanging ang Kamara ang nagmandato na kailangang isumite ang reklamo sa Secretary General, bagay na kanila umano sinunod.
Ayon naman kay Casiño, nag-iwan sila ng kopya ng impeachment complaint sa opisina ng Secretary General, na siyang magtra-transmit kay House Speaker Faustino Dy sa Lunes o kapag nagbalik sesyon na ang Mababang Kapulungan.











