-- ADVERTISEMENT --

Nasunog ang main stage ng Tomorrowland festival sa Belgium.

Nangyari ang insidente dalawang araw bago ang pinakahihintay na music festival

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente kung saan patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Ang electronic dance music festival ay magsisimula sana sa araw ng Sabado sa bayan ng Boom sa Antwerp.

Inaasahan na ito ay dadaluhan ng mahigit 400,000 na katao kung saan ilang daang mga artist ang naimbitahan.

-- ADVERTISEMENT --

Ilan sa mga naimbitahan ay sina David Guetta, Lost Frequencies at maraming iba pa.