-- ADVERTISEMENT --

Aabot na sa 887 buto ng tao ang narekober sa Taal Lake sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga posibleng labi ng nawawalang mga sabungero, ayon kay Justice spokesperson Polo Martinez.

Mula Hulyo 10 hanggang Oktubre 12, isinagawa ang search and retrieval operation kung saan 35 mula sa 60 operasyon may kabuuang 981 buto ang nakuha, kabilang ang tatlong set ng human remains mula sa isang sementeryo.

Matatandaan, inilunsad ang retrieval operation sa naturang lawa bunsod ng mga isiniwalat ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan alias Totoy na mahigit 100 sabungero ang umano’y dinukot, pinaslang, at itinapon sa naturang lawa.

Samantala, wala pang positibong resulta sa DNA tests, ngunit 33 pamilya na ang nakunan ng DNA samples para sa pagtukoy sa mga labi.

Naisumite na rin para sa resolusyon ang murder complaint laban kina Charlie “Atong” Ang, Gretchen Barretto, at iba pang respondent.

-- ADVERTISEMENT --