Pumapalo na sa 848 ang naitalang aftershocks, mula sa 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.
Ayon sa data ng Phivolcs, nasa 213 sa mga pagyanig ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang pasilidad.
Habang apat naman ang may kalakasan na naramdaman ng mga residente.
Ang mga aftershocks ay may lakas na mula sa 1.4 hanggang 4.8 magnitude.
Inaasahang magtutuloy-tuloy pa ang mga pagyanig hanggang sa mga susunod na araw.
Una rito, natukoy ang mababaw na pinagmulan ng Offshore Cebu earthquake kaya ramdam ito sa maraming mga lugar.
Maliban sa mga isla sa Visayas, umabot din ang pagyanig hanggang sa Southern Luzon.
Kabilang sa nakapagtala ng lindol ang Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Nilinaw naman ng Phivolcs na tectonic earthquake ito at walang kinalaman sa alinamng bulkan na malapit sa lugar.