-- ADVERTISEMENT --
Umabot sa dalawang milyong tao ang inilikas sa Punjab, Pakistan matapos ang malawakang pagbaha.
Ipinahayag ni National Disaster Management Chief Haider Malik na mayroong 150,000 tao pa rin na inilikas sa Sindh province.
Inaasahan pa rin na tataas ang bilang ng mga inilikas sa mga susunod na araw.
Dahil sa ilang araw ng malakas na pag-ulan, umapaw na ang maraming ilog sa iba’t ibang bahagi ng Pakistan.