-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagdagsa ng hanggang 2.2 million pasahero sa Batangas Port sa kabuuan ng Undas 2025.

Ang Batangas Port ang isa sa pinakamalaking pantala sa buong Pilipinas kung saan dito sumasakay ang mga nagmumula sa Metro Manila papunta sa iba’t-ibang lugar sa Visayas, Mindanao, atbpang island provinces sa Southern Luzon.Philippine Travel Guides

Nagsisilbi rin itong pangunahing daungan ng mga malalaking shiping company sa bansa.

Ngayong araw (Oct. 27) ay binisita na rin ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang naturang pantalan, ilang araw bago ang inaasahang dagsa ng mga pasahero.

Kabilang sa mga sinuri ni Sec. Lopez ay ang ticketing booth, at ang mabilis na pag-usad ng mga pumipila sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama rin dito ang seating capacity, security preparations, atbpang serbisyo na maaaring magamit ng mga pasahero.

Nangako rin si Transportation Sec. Lopez na iikutin at bibisitahin ang iba pang mga pantalan sa bansa, upang mabantayan ang paghahanda ng mga ito sa pagdagsa ng mga mananakay.