-- ADVERTISEMENT --

Hindi kinaya ng Orlando Magic ang kulelat na Washington Wizards sa muling paghaharap ng dalawa ngayong Enero-7, matapos ibulsa ng huli ang 120-112 win.

Ito pa lamang ang ika-sampung panalo ng Wizards ngayong season habang umabot na sa 25 ang pagkatalong nalasap na nito.

Naipasok ni Wizards guard CJ McCollum ang 11 field goals, kasama ang tatlong 3-pointers, habang 23 points at walong rebounds naman ang naging ambag ng sentrong si Alex Sarr.

Ginawaran din ang Wizards ng 33 free throws at 31 dito ang naipasok ng koponan. Halos kalahati lamang nito ang naipasok ng ng Magic (16 pts) sa kabuuan ng laban.

Pawang naging malamiya ang performance ng mga Magic starter matapos malimitahan ang mga ito sa below-20 points kung saan 14 points lamang ang naipasok ng forward na si Paolo Banchero, at 13 points ang nagawa ng kaniyang kapwa forward na si Tristan da Silva.

-- ADVERTISEMENT --

Tanging 15 points lang ang naging ambag ng shooter na si Desmond Bane, kasama ang dalawang rebounds at tatlong assists.

Pinilit pa ng Magic na habulin ang 14-point deficit na dinanas nito sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit sa huli ay kinapos pa rin ito ng apat na puntos.

Sa kabila ng pagkatalo, nananatiling maganda ang win-loss record ng Orlando ngayong season, hawak ang 20 panalo sa loob ng 37 games.