-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY – Dead on the spot ang mag-asawa sa huling pamamaril dito sa lungsod.

Pagpamusil-patay sa magtiayon sa Purok Foremost Subdivision Phase 1 Brgy.Apopong, GenSan.

Kinilala ang mga biktima na sina Gaudencio Tariola Dela Peña, 61 at Anabell Dagayday Dela Peña, 58 taong gulang na kapwa ng nagtamo ng maraming tama sa katawan.

Pasado alas 9:00 kagabi nang nirespondihan ng mga personahe ng Makar Police Station ang pamamaril na nangyari sa Purok Foremost Subdivision Phase 1 Brgy.Apopong, GenSan.

Sa imbestigasyon, nagbebenta umano ang mag-asawa ng dressed chicken.

Mula sa kanilang puwesto sa Doña Soledad Labangal ang mga biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sakay ng topdown nang binaril ng di kilalang mga suspek na hinihinalang nakamotorsiklo sa madilim na lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Habang hindi sinanto ng mga suspek ang alagang aso ng mag-asawa dahil pati ito ay binaril.

Mabilis namang umalis sa crime scene ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Sa ngayon, nangangalap ng dagdag na impormasyon ang pulisya upang makilala ang mga suspek.