-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon ay lumakas at naging Tropical Depression KIKO.

Naitala ito kaninang alas-8:00 ng umaga nitong Miyerkules.

Inaasahang maglalabas ng Tropical Cyclone Bulletins ang ahensya simula alas-11 ng umaga upang magbigay ng updates sa galaw at lakas ng bagyo.

Ang LPA ay unang namataan sa layong mahigit 1,100 kilometro silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Bagama’t wala pang itinaas na tropical cyclone wind signal, nagbabala ang PAGASA sa posibleng pag-ulan at malalakas na hangin sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, patuloy pa ring nakaaapekto ang Habagat (Southwest Monsoon) sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, kaya’t inaasahan ang mga pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at iba pa.