-- ADVERTISEMENT --
Masayang ibinahagi ng actress na si Lovi Poe ang pagsilang ng unang anak nila ng asawang si Monty Blencowe.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video habang sinasayaw ang bagong silang na anak.
Hindi naman na nagbigay pa ng pangalan at ilang detalye ng bagong silang na anak.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga kasamahan nito sa showbiz at mga malalapit na kaibigan kung saan ibinahagi ang kasabikan na makilala ang bata.
Noong Agosto ng ipagdiwang ng actress at asawa ito ang kanilang ikalawang wedding anniversary.
-- ADVERTISEMENT --
Ikinasal ang dalawa sa Cliveden House sa United Kingdom noong 2023.











