Pinawalang bisa ng Professional Regulatory Board of Civil Engineering (PRB-CE) ang lisensya bilang civil engineer ni dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara dahil sa malubhang unprofessional at unethical conduct kaugnay ng umano’y ghost flood control projects.
Batay sa desisyon, napatunayang administratively liable si Alcantara sa pag-apruba ng paglalabas ng pondo para sa mga ghost project, batay sa Special Audit Report ng DPWH.
Ayon sa board, ang sinadyang pag-apruba sa paglalabas ng pondo para sa ghost project ay paglabag sa Code of Ethics at pagkakanulo sa tiwala ng publiko.
Mayroon pang 15 araw si Alcantara upang maghain ng motion for reconsideration. Kung sakaling ito ay tanggihan, maaari siyang umapela sa Commission Proper sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap ng resolusyon.











