-- ADVERTISEMENT --

Itinalaga si Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang bagong pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Nangyari ang pagtatalaga sa pagbubukas ng 130th plenary assembly ng CBCP sa Bohol nitong Sabado, Hulyo 5.

Papalitan niya si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na matatapos ang termino sa Nobyembre.

Si Garcera ay naging obispo ng Daet noong 2007 bago italaga bilang arsobispo ng Lipa noong 2017.

Samantala, si Zamboanga Archbishop Julius Tonel ang nahalal na bagong bise presidente ng CBCP.

-- ADVERTISEMENT --