Nakumpleto na ng Gilas Pilipinas ang mga manlalaro na sasabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na kanilang kinuha para maglaro si Calvin Oftana.
Si Oftana ang siyang pumunan sa puwestong nakalaan sana kay Justin Brownlee na kasalukuyang nagpapagaling mula sa injury.
Nakasama na si Oftana sa ginawang ensayo ng Gilas para sa nasabing torneo.
Tiwala si Cone na kabisado na ni Oftana ang sistema ng laro ng Gilas dahil sa nakasama na ito sa ibang mga laro ng national team.
Siya lamang kasi ang tanging miyembro ng Gilas na nagwagi ng gintong medalya noong 2023 Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Asian Games ay kinabibilangan nina Don Trollano, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, Justin Arana, Jerrick Ahanmisi, Robert Bolick, Sedrick Barefield, Brandon Bates, Brandon Ganuelas-Rosser, Zavier Lucero at Adrian Nocum.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Bahrain sa Setyembre 11.










