-- ADVERTISEMENT --

Libu-libong tagahanga ang nagtipon sa Manchester nitong nakaraang Biyernes upang magbigay-galang kay Ricky Hatton, dating world welterweight boxing champion, na pumanaw noong Setyembre 14 sa edad na 46.

Kabilang sa mga dumalo sina dating heavyweight champion Tyson Fury at singer na si Liam Gallagher. Maraming tao din ang nagwagayway ng bandila ng Manchester City at sumigaw ng “There’s only one Ricky Hatton!” habang dinadala ang kabaong mula sa paboritong pub ni Hatton, patungong Manchester Cathedral.

Ang kabaong ay kulay sky blue at may nakaukit na “Blue Moon,” bilang parangal sa paborito niyang kanta at sa kanyang pagmamahal sa Manchester City, na siyang kulay ng kanyang boxing shorts.

Ayon kay Olympic silver medalist Amir Khan, na dumating mula Dubai para sa libing, isang iconic si Hatton sa boxing at may malaking naiwanang legacy.

Maaalalang napanalunan ni Hatton ang mga world titles sa light-welterweight at welterweight bago siya mag-retire noong 2012. Plano niya sanang mag-comeback sa isang event sa Dubai ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --