-- ADVERTISEMENT --

Itinuturing na bilang “epidemya” ang pagdami ng mga kaso ng “leptospirosis” sa Lungsod ng Maynila.

Ito mismo ang iniulat ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, batay sa impormasyon ibinahagi sa kanya ni Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla.

Ang naturang ulat ay matapos lumagpas sa “epidemiologic threshold” ang mga naitalang bagong kaso ng naturang sakit.