-- ADVERTISEMENT --
Inihayag ng Los Angeles Lakers na handa na si LeBron James para sa contact basketball activity habang patuloy niyang ginagamot ang sciatica, isang problema sa nerve sa ibabang bahagi ng katawan, bago ang kanyang ika-23 NBA season.
Bagama’t hindi pa siya nakakapaglaro o nakapag-practice sa team dahil sa kondisyon, nagsasagawa si LeBron ng individual workouts sa nakaraang mga linggo.
Susuriin muli ng team physician ng Lakers si LeBron sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Kapag gumaling ay sasama ito sa five-on-five basketball practice, ngunit hindi pa malinaw kung kailan ito magsisimula, lalo na’t magsisimula na ang limang-laro nilang road trip sa Atlanta sa Sabado at inaasahang hindi sasama si LeBron.











