-- ADVERTISEMENT --

Hindi natuloy ang laro ni Pinay tennis player Alex Eala kay Varvara Lepchenko sa round-of-16 ng Guadalajara Open dahil sa malakas na pag-ulan.

Hawak ni Eala ang kalamangan 3-2 laban sa 39-anyos na si Lapchenko sa deciding match ng pansamantalang natigil dahil sa ulan.

Itutuloy ang nasabing laban sa araw ng Biyernes.

Ang sinumang manalo sa dalawa ay abanse na sa quarterfinal laban kay Nicole Fossa Huergo ng Italy.

Pagkatapos ng Guadalajara Open ay sasabak si Eala sa Sao Paulo Open sa Brazil mula Setyembre 8 hanggang 14.

-- ADVERTISEMENT --