LEGAZPI CITY– Natangpuang patay ang isang 35-anyos na lalaki matapos puluputan ng isang malaking ahas malapit sa dike sa Barangay Bolilao Mandurriao sa Iloilo, ayon sa mga otoridad.
Ang biktima, kinilala bilang si Julius Perez, at nadiskubreng wala nang buhay sa kanyang residensya kung saan nakapulupot sa kanyang leeg ang isang malaking ahas.
Sinubukan pa umanong tulungan ng ilang mga residente si Perez, ngunit nawalan na ito ng hininga.
Ayon sa pulisya na may sukat na 3 metro at bigat na 12 kilos ang nasabing ahas.
Naniniwal naman ang mga imbestigador na naapakan ng biktima ang ahas at saka ito umatake.
Nagtamo naman ang biktima ng kagat ng ahas sa tuhod at bisig nito at naging dahilan ng kanyang pagkamatay ang labis na paghigpit ng ahas sa kanyang katawan.
Samantala napapanatili rin umano ng mga barangay officials ang kalinisan sa nasabing lugar.











