FILE - Turning Point USA Founder Charlie Kirk speaks before Republican presidential candidate former President Donald Trump arrives at the Turning Point Believers' Summit, July 26, 2024, in West Palm Beach, Fla. (AP Photo/Alex Brandon, File)
-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang lalaki na nagpanggap na security officer na dumalo sa memorial service para sa yumaong American Vlogger na si Charlie Kirk.

Nakilala ang suspek na si Joshua Runkles na napag alaman na pumasok sa National Football League (NFL) staduim na armado ng baril at kutsilyo.

Gumamit pa ang suspek ng pekeng ID at chapa ng pulis at sinabing siya ay security officer.

Batay sa imbestigasyon ng Turing Point USA (TPUSA) authorities lumalabas na ang suspek ay nagsasagawa ng “advance security” para sa isang kilalang guest na planong dumalo sa memorial service ngunit hindi ito nakipag ugnayan ng maayos sa mga otoridad at sa US Secret Service.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong “Felony” dahil sa pag papanggap bilang isang opisyal na pulis at illegal posession of firearms naman dahil sa pagdadala ng armas sa nasabing lugar.

-- ADVERTISEMENT --