Umabot sa mainit na bangayan ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanumalyang flood control projects kung saan kinuwesyon ni Senador Marcoleta si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson tunkol sa integridad ng kumite.
Kaugnay ito ng pahayag ni Lacson sa isang panayam sa telebisyon, kung saan pinaboran umano nito si Bryce Hernandez bilang mas karapat-dapat na maging state witness, na aniya’y maaaring makasama sa integridad ng pagdinig.
Giit ni Lacson, ang kanyang sinabi ay personal na opinyon lamang at hindi dapat kuwestyunin ng sino man.
“Don’t question my opinion,” mariing tugon ni Lacson nang igiit ni Marcoleta ang isyu ng pagiging patas ng komite.
Dahil sa patuloy na banggaan, isinuspinde ni Lacson ang pagdinig dito patuloy na umalma si Marcoleta na aniya: ”ang nangyayaring ito mas credible si Brice kaysa sa Discaya, bakit ganon?”
”Why are we trying to pre-judge this.. were still in the process of investigation..”
Buwelta naman ni Lacson na kung bakit patuloy na pinagtatanggol ni Marcoleta ang mag-asawang Discaya. ”Why are you so protective to Discaya?”
Tumanggi naman si Marcoleta na pino-protektahan nito ang mag-asawang Discaya partikular si Pacifico ”Curlee” Discaya na siyang humaharap sa pagdinig.