-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na 100% babalik si Senate President Pro Tempore Ping Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Sotto, opisyal na uupo si Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee sa Nobyembre 10, sa pagpasok ng Second Regular Session ng 20th Congress.

Aniya, nagkaroon sila ng pag-uusap kamakailan ni Lacson ukol sa posibleng pagbabalik nito sa komite. Matagal na raw nilang napag-uusapan ang posibilidad na ito dahil nararamdaman din nila ang “unfinished business” sa mga imbestigasyong sinimulan noon.

Binigyang-diin ni Sotto na nakukulangan umano si Lacson sa takbo ng imbestigasyon, dahilan kung bakit babalik ang senador bilang chairman ng komite.

Samantala, inalok din naman ang posisyon sa ibang miyembro ng mayorya, ngunit lahat umano ay hindi buo ang loob na pamunuan ang Blue Ribbon Committee.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, tiniyak ng Senate President na handa silang harapin ang anumang consequence ng pagbabalik ni Lacson.